Buhay Bilog

Author Name: misclover07 | Source: pinoyliterotica.com

Unang Serye .. Buhay Bilog ..

Krrriiiiiing!!!! …

isa sa mga bagay na gumigising at nakakapag pabuhay sa aking dugo .. :)
daig pa nito ang pinaka sikat na energy drink na pinapatalastas sa telebisyon ..
subok at mabisa sa inaantok at walang buhay na katawan
hudyat na tapus nanaman ang klase .. yahoo! ..
yes! , ayun! salamat .. uwian na2x . ilan lamang yan sa mga katagang halos paulit-ulit kong naririnig matapos ang mahiwagang tunog na nanggagaling sa kulay pula, maliit at hugis bilog na bakal..

na kilala ko sa tawag na “malaking ALARM CLOCK”

salamat!!!.. Halos mawalan na ako ng malay sa antok. “hikab” nakaka believe ang mga guro kung sa paanong paraan nila nagagawang patulugin ang kanilang mga estudyante sa pamamagitan ng pagtuturo “naisip ko na likas na sa mga guro iyon .. “as-usual dating gawi , pag katapos ng klase, diretso sa bahay mag-aaral, magbabasa ng libro, at gumawa ng assignment at pagkatapos matulog ng maaga para sa klase bukas .. ang sarap pakinggan..hehe ,yan ang pilit na pinapagawa sakin ng mga magulang ko ..
na alam naman natin na torture sa ating mga kabataan , hehe.. .. “ewan ko ba, dati pa lang mahina na ako sa instruction” pilit ko rin naman na ginagawa ang mga gusto nila well, hindi ko lang talaga makuha ang tamang step. hehehe. kaya siguro ganito kalimitan ang nangyayari ” syempre pag katapos ng school diretso na sa “bahay” uhm.. nasunod ko pa rin naman ang gusto ng mga magulang ko, yun nga lang sa bahay ng iba, what i mean sa bahay ng mga kaibigan ko “take note” para mag aral .. Hehe . mag aral ng ibat ibang kalokohan .. kung baga sa computer araw-araw akong nag uupdate para in .at mas unique”yun ang tingin ko before” hanggang sa nasagad ko na ang kapilyuhan ko, hmm.. parang ultimate vista na ang datingan ko kakaiba- iba .. dahil dun nadagdagan ang subject ko noong nasa high school ako . Every morning may subject ako sa office panay lecture nga lang! pero parang special class ang datingan “bigat” ramdam ko ang pag angat ko sa klase katunayan na nagleleuel up na ako ,ang palagi nga lang na itinuturo, ay dapat daw may patches ang polo ko, naka id ako at naka profer uniform. specialy huwag ma lalate tuwing flag ceremony ..”ayos! . halos araw araw ..nakakasagupa at nakaka face to face, ko yung masungit na principal sa school “wala eh, iba pag elite eh” halos araw araw din niya na pinapa ulit ulit ang rules and regulation ng school na naging almusal ko sa loob ng isang taon. At kung sweswertehin may hapunan pa ,grabe ang saya !

Well.. kaya ko isinulat ito siguro isa na rin sa mga dahilan ko ay para ma palawak pa ang ka alaman ko o’ kakayahan pag dating sa pagsusulat . bilang newbie sa larangan na ito hindi ko maipapangako na maibibigay ko ang mga qualities na hinahanap ninyo sa isang malupit na manunulat ..

Okay lets continue ..
Guys!

araw ng lunes sa loob ng silid aralan . nagtuturo ang isa sa itinuturing namin na mababangis na guro na si ms. tit!! napakatahimik ng klase at napaka aliwalas ng paligid dala ng naglalakihang bintana na nagbubuga naman ng payapang hangin mula sa labas, na animo’y walang nagbabadyang panganib sa bawat estudyanteng nasa loob ng silid aralan ..
“tik tak tik tak tik tak” halos mangibabaw ang tunog ng kamay ng orasan sa sobrang katahimikan .”nakakabingi” maging ako ay kabado ng mga panahong iyon, dala ng takot na baka sa isang iglap lunukin ako ng buo ng aming guro, ngunit sa kabila naman ng takot ay napapalitan ng saya na may kahalong konting konti lang na kilig, sa tuwing naiisip ko na katabi ko pala ang crush ko .”take note sobrang ganda nito pakpak na lang ang kulang anghel na” Halos nalalaro ang emosyon ko ng mga panahon na iyon . sino ba naman ang hindi mapapanatag sa kabila ng takot ,kung alam mo na sa tabi mo ay may mala anghel sa kagandahan..
“hay kung pwede nga lang ihinto ang mga oras ng mga panahong iyon.”
Gusto ko sanang magsalita at kausapin siya,”syempre getting to know each other ba” ngunit walang lumalabas na boses sa bibig ko, hindi dahil sa kinakabahan ako o takot na mapagalitan kapag gumawa ako ng anumang ingay , dahil narin siguro sa hiya ,parang binunutan ako ng dila ”
kaya mas minabuti ko na isulat ko na lang ang lahat sa notebook ko, lahat, lahat! ng gusto kong sabihin sa kanya .
Habang isinusulat ko lahat ng gusto kong sabihin sa kanya, pa simple kong tumitingin sa kanya para naman ganahan ako sa pag susulat..
“inspirasyon ba?”

Krrrriinggg!!!

haaaaa?! Hudyat na tapos nanaman ang klase , tumunog nanaman ang maliit na kulay pula na hugis bilog na bakal .hay. bakit nakaramdam ako ng lungkot dati rati naman sa tuwing maririnig ko ang bagay na iyon. halos mapunit ang bibig ko sa saya , bakit sa puntong ito parang may pasan akong isang sakong bigas sa aking likuran ang hirap tumayo . ang bigat ng aking katawan at walang lakas ang aking mga paa . hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko noon para akong nauupos na sigarilyo , o ayaw ko lang tanggapin na tapos na ang oras kung saan katabi ko ang babaing pinaka hahangaan ko . Ibang klase .. pero dibale marami pa namang araw, matagal pa ang taon. mahaba pa ang pag sasamahan namin, iyon na lang ang inisip ko ng magkaruon naman ako ng lakas ng loob tumayo .sa wakas! .. nakobinse ko rin ang aking sarili na umuwi . this time bakas na ang saya sa aking mga mukha . at sa likod ng mga ngiting ito , ang plano na kung sa paanong paraan ko siya makaka usap . ang babaw no?” Hehe hindi ako nakatulog dahil sa bagay na ito.

Itutuloy..