CONNECTION BY A COLLISION

Author Name: elusiveperplexed | Source: pinoyliterotica.com

“CONNECTION BY A COLLISION”

“It’s easy to take off your clothes and have sex. People do it all the time. But opening up your soul to someone, letting them into your spirit, thoughts, fears, future, hopes, dreams… that is being naked.”

~ Rob Bell

How then shall I start this? Well there’s no point in denying; maybe it was guilt which forced me into plotting these letters. Enjoy.

Ang pagtalbog ng bola ay naging sanhi upang lingunin ng ilang kababaihan ang grupo ng mga naghahalakhakang manlalaro ng unibersidad noong umagang iyon. Nag-uumpisa pa lamang ang araw subalit makikita mo na sa paligid ang mga nakakunot na noo ng ilang mag-aaral habang bitbit ang kani-kanilang mga bag o di kaya nama’y makakapal na aklat. Sa di kalayuan, maririnig mo ang tawanan mula sa mga kumpulan ng mga barkadahang tila lakwatsa lamang ang ipinunta sa paaralan habang nakaupo sa mga benches na sinaklawan naman ng mga malalaking puno.

Mayroong mag-isa at mayroong hindi kontento na walang kasama. Mayroong naglalakad at mayroong mga de-kotse.  May mukhang seryoso at meron rin namang kilala sa kwela. May mukhang masungit, may mukhang mabait.. Pero sa napakaraming taong nakapaligid sa akin noong umagang iyon, wala ni isa ang naging dahilan upang magbago ang pagtingin ko sa pagtakbo ng buhay.

Sa madilim at tahimik na hallway patungong Room T-302, muli kong sinilayan ang maliliit na letrang naglalahad ng ilang impormasyon tungkol sa Collision Theory at mula sa sulok ng aking paningin, ay saka nagtama ang aming mga mata- ang babaeng magbabago pala ng aking buhay.

Narating ko ang silid, pinihit doorknob at saka tinungo ang aking desk. Pilit kong inihanda ang sarili saka nagsalita dahilan upang mangibabaw ang katahimikan sa maingay na silid-

You know class, I just realized a lot of things about our topic yesterday.. In life… yes… collisions do exist. Abstractly, they could be a war of prides. Oftentimes, these are the battles between one’s heart and mind. There are million tales about the good versus evil. They all have their own reasons for such things are a part of nature as proven by the day and night. The theory aims for a change. And with the right amount of energy, a predetermined change is likely to occur. They could either break or make.. So what I’m really telling you is this- have faith and always muster that kind of energy that will propel you to success no matter how heavy the odds are. Here are your test papers….  All of you will graduate! Congratulations!

That is why we love you so much Sir!” saka ko namasdang tumulo ang luha ng nangungunang estudyante ng block na ito sabay yakap sa kanyang seatmate.

We’re going to miss you Sir Ice!!” halos sabay sabay na sambit ng kabataang napamahal na rin naman sa akin.

Sandali kong minasdang ang ngiti sa kani-kanilang mga labi sa gitna ng mapayapang pag-pupunyagi! Bumagal ang oras at ang silid ay waring naging parte ng langit sa maikling sandaling iyon.. Masaya ako para sa bawat isa subalit sa paglingon ko sa bintana ay napatid ang aking mga labi sa mukha ng babaeng napintahan ng pagka-dismaya- si Faye…. saka ko siya nakitang tumakbo.

I excused my self from the class saka marahang sinundan ang dilag na kanina’y namasdan. Nakita ko s’yang nakasandal sa dingding habang umiiyak sa may hagdanan suot ang kanyang dilaw na fitted-blouse at simpleng fitted jeans habang ang kanyang mahabang buhok ay natitipon naman sa isang lilang pantali na nagpatingkad ng kanyang makinis at mala-porselanang balat. Muli, nagtama ang aming mga paningin habang marahan akong lumalapit sa kanya.

Puno ng luha ang kanyang chinitang mga mata.. Wala akong magawa kundi hawakan ang kanyang kamay at marahan  syang yakapin.. Marahan ko siyang inilakad  patungong opisina upang kausapin at bigyan ng comfort..

Here. Drink this. Just calm down.” saka ko hinawakan ang kanyang mga kamay..

Fifay, (her nickname) malulungkot si Rodney (her father) kapag nakita ka nyang ganito..

“Ninong.. Nalulungkot lang po talaga ako.. I feel very helpless without my dad..”

Matalik kong kaibigan ang ama ni Faye.. Sa katunayan, magkapatid ang aming turingan noong mga bata pa kami.. Suntukan, inuman, pambababae… halos lahat ata ng kalokohan ginawa namin na magkasama. Partners in crime kumbaga.. Pero nag-iiba ang panahon kaya’t matapos kaming makapag-kolehiyo, sabay kaming nagdesisyong maging seryoso na sa buhay hanggang sa makapangasawa sya at naging anak nga nya si Faye. (Mas pinili ko ang buhay single sapagkat alam kong hindi  ako kailanman makokontento sa iisang babae lamang.)

Subalit ang inakala kong saya para sa aking kaibigan ay nasamahan naman ng lungkot matapos mamatay si Angelie, (ang kanyang asawa) sa kanyang panganganak.. .. Dumaan ang maraming araw at heto’t kay bilis.. Pumanaw ang aking matalik na kaibigan noong isang buwan matapos ang isang malagim na vehicular accident… Malaki na ang kanyang anak… Nakakalungkot, hindi n’ya makikitang mag-mamartsa itong si Faye… Alam kong pangarap niyang mamasdan ang tagumpay ng kanyang nag-iisang anak subalit lubhang malupit ang kapalaran kung minsan.

“You’ll be fine Faye. Your Ninong Ice is still here. When you were born, I promised your dad that I’ll take care of you so all you gotta do is regain your composure. “

“Thank you Ninong Ice. You’re so much like my father. I remember when he told me that life isn’t just about the things that are being perceived by the senses from the outside..Somehow Ninong, I now understand that there are internal meanings.. The things that come from within..

That is because he’s a part of you.. ”

Marahan kong hinawi ang mga buhok na humaharang sa maamong mukha ng aking inaanak saka ko nasilayan ang kanyang ngiti na naghudyat ng panibagong pag-asa.

Oh, since you’re graduating soon, libre ko ang dinner mo mamaya.” masigla kong sinabi sa kanya.

“Talaga Ninong Ice?! waring nanumbalik ang sigla ng aking inaanak na para bang isang bata.

Promise.. I need to go back to my class.” saka ako ngumiti.. tumayo at lumakad papalabas sa office.

Thank you ninong!!”

Nagulat na lang ako ng maramdaman kong nakapulupot ang kanyang mga braso sa aking bewang habang mahigpit nya akong niyayakap at saka inihilig ang kanyang ulo sa aking balikat mula sa likuran.

Faye! kaw talagang bata ka.. mamaya may makakita satin  at kung ano pa isipin nila..”

“Ay oo nga Ninong. Sorry! Natutuwa po kasi talaga ako. I’m very lucky to have a second dad in you.”

“Oh. I’m going na and you should return to your class too!” pagalit kong sabi

“Hmp!!” saka sya lumakad papalabas mula sa opisina ko at ngumiti mula sa malayo…………….

Masigla akong napangiti ng maisip na lubhang pinalaki ng aking kabigan na spoiled ang aking inaanak. Hayan tuloy that at her 20, she’ll graduate from college with such pure innocence and fragility though there’s no doubt in my mind that she’s such a superb-looking beautiful woman…The most angelic of all the faces… Perhaps…..

“Rodney, mukang binigyan mo naman ako ng malaking sakit ng ulo at responsibilidad!!”

Napa-suntok n lang ako sa hangin sabay kamot sa ulo…

To be continued…