Ang kwentong to ay hango sa tunay na buhay…
Tawagin na lamang nating syang Rossie ng laguna….
Lumaki sa hirap c Rossie at ang ama nya ay isang lasenggero na mekaniko,ang nanay nya ay labandera na nakuba na sa kakalaba ng ibang damit galing sa mayayaman.10taon pa lang c Rossie na puro palo,sintron,sipa dito at duon ang pwet nya pag di sya sumunod agad sa isang sigaw ng ama at kapag sya ang umaawat sa away ng kanyang mga magulang…
Dumating ang araw na lumuwas ng maynila ang ama para dun maghanap ng pagkakakitaan,magaling syang mekaniko kc binata pa lang pudpod na kamay nito sa kakagawa ng motor hanggang sasakyang sira,…swertihan namang nakapag apply sya sa isang talyer sa P.Tuazon QC kaya sa unang sahod nya ay agad syang umuwi ng laguna at balitaan ang asawa at anak na si Rossie na parating gutom at isang beses lang nakain sa isang araw at un ay almusal bgo umalis ang ina at maglaba maghapon sa mayayaman na minsan gabi na kung umuwi at pagod. Halos nadadatnan nya si Rossi na nakatulog na namay tali ang tiyan para di maramdaman ang gutom…..Ng dumating ang Ama laking gulat nya kc halos di nya nakilala ang anak sa sobrang putla at payat nito na dati medyo malaman kc kahit sya lasenggero me pulutang kalderetang aso namang syang may ma uuwi sa mag ina sa tanghali hanggang hapunan kaya bigas o tinapay lang ang kanilang pinagsisikapang bilhin sa araw araw…Ng makita nya ang anak nag dilim paningin nya at agad tinungo ang asawa at sinampal at pinagmumura “PUTANG INA KA! Anung klaseng ina ka! ni halos mangisay na anak mo sa gutom”Pak!!”habang naglalaba sa punyetang mayayaman na pinapakain ka! Samantalang anak mo di mo nagawang alalahanin!”PAK!!”….Di na nakasagot pa ang asawa sa duguan nguso nito at ang anak ay walang lakas para umawat…”Mag mula ngayon ay isasama ko ang ANAK KO sa maynila at ako na ang magpapalamon sa anak ko! (sabay tadyak ng pinto)….To be continued….