It started with a kiss

Author Name: morelove | Source: pinoyliterotica.com

Hi PL members. I’m Mark, 22 y/o. Bago lang ako here. This is my first time to post and this is the first part of my story. Medyo maikli pa lang ang nasusulat ko kasi tambak ang work ko today eh. Pls bear with me. :p

Here it goes.

“Kuya! Kamusta ka na?!” “Seph! Tagal mo pare!”. Sinalubong ako ng ngiti at mga bati ng aking mga high school classmates. Halos 4 years na ang nakakaraan mula nung huling nagkasama-sama kame. Graduate na kameng lahat ng college at may mga trabaho na ang karamihan. Ang daming nagbago sa mga kaklase ko. May mga gumanda, may pumanget, may tumaba, may mga pumayat, at yung iba pamilyado na. Pero ang pinakamalaki ang pinagbago ay yung dating kong niligawan. Si Joy.

“Tagal mo dumating ah. San ka pa nagpunta?” Bati sa akin ni Joy sabay beso sa akin. “Traffic lang, tsaka syempre pinaghandaan ko munang mabuti ‘tong araw na ‘to kasi alam ko pupunta ka. Hehehe”, sagot ko sa kanya na may kasamang kurot sa bewang nya. “Ay sus, bolahin pa daw ba ako. Tumigil ka nga.”, sabi nya at naupo na kame sa sala kasama ang iba pa naming mga classmates. “Ang laki ng iginanda mo Joy. Bakit ba kasi binasted mo ako eh mabait naman ako”. “Mabait ka jan, sipain kaya kita.” Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan namen hanggang sa dumating na din ang iba pa.

Noong nasa high school pa kame, iba pa ang itsura ni Joy. Ang payat nya, walang hubog ang katawan, pero maputi at maganda ang mukha. Pero hindi yun ang dahilan kaya ako nahulog sa kanya noon. Mabait sya, napakathoughtful, masayahin, hindi ka iiwan kapag may problema ka, at tsaka lovable. Para sa akin, sya na ‘yung perpektong girl na gusto ko.

Wala na ‘kong hihilingin pa. 4th year HS kame nung napagpasyahan kong magtapat sa kanya. Una dinaan ko sa mga sulat na codename ang nilalagay ko. Tapos, ‘yung last letter ko ay dun na nakasulat ‘yung pagtatapat ko sa kanya. Personal kong ibinigay sa kanya ‘yung sulat, binasa nya, di nya akalain na ako ‘yung sumusulat sa kanya. BInalik nya sa akin ‘yung sulat after nyang asahin tapos isinauli nya sa akin sabay bulong, “Sorry.”. Umalis na sya, ako naman nandun lang, nakatayo, parang tumigil ang mundo. May ilang araw akong hindi pumasok pagkatapos nun. Paulit-ulit sa utak ko ‘yung sinabi nya. “Sorry”. nag-e-echo sa utak ko. Nung pumasok na ulit ako, kinausap nya ako, tinanong kung gusto ko pa daw ang makipagkaibigan. Dahil sa ayaw kong mawala ‘yung communication namen at masayang ‘yung matagal na nameng friendship, pumayag na lang ako. At di nagtagal, naging ok na ulit kame as friends na parang walang pagtatapat na nangyari. Mula noon, sabi ko sa sarili ko, hindi muna ako mahuhulog sa kahit kaninong babae, hanggang friends lang, period.

Going back, nung nakumpleto na kame ay nagyaya na si Karen na kumaen na kame. Bahay nila Karen ang venue ng aming reunion dahil malaki ito, at walang tao sa kanila noon dahil nag-out-of-town ang parents for business purposes. Isa pang maganda si Karen, kaya nga ngayon eh model na sya sa isang clothing line. Noon pa man ay maganda na sya, daming naghahabol na lalaki sa kanya. Maputi si Karen, di masyadong mahaba ang buhok, may hubog ang katawan, at malaki ang hinaharap. Mas gumanda pa sya ngayon kesa nung nag-aaral pa kame.

“Guys, tara kaen na tayo. OK na ‘yung foods natin!” Maya-maya pa nga’y nagsitayuan na kame at kumuha ng sari-sariling pagkaen. “Kuha kitang foods?”, sabi ko kay Joy. “Naks, papogi ka nanaman ha. Hihihi. Cge na nga. Konti lang ha, handsome.”, sagot ni Joy at kumuha na ako ng pagkaen namen. Niyaya ko si Joy na sa may terrace kame kumaen dahil hindi pa tapos ‘yung kwentuhan namen. “Takaw mo ha, ilang araw ka bang hindi kumaen?”, biro nya saken. “Nagsalita ang hindi matakaw”, sagot ko at nagtawanan kame.

Maya-maya pa’y natapos na kameng kumaen at naisipan kong itanong ang lovelife nya. “Balita ko may BF ka daw ngayon ah, bakit hindi mo sinama nang naipakilala mo sa akin.” Sandali syang tumahimik at sumagot ng pangiti, “Matagal na kaya kameng wala na. Nahuli ko sya na may ibang babae, lumayo na lang ako after nun.” Nalaman ko na weeks lang pala ang itinagal ng relasyon nila nung BF nyang yun. Unang BF nya yun dahil nung high school pa kame ay di pa daw sya ready kaya binasted din nya ako. “Hayop yun ah. Di ba nya alam na napakaswerte na nya at ikaw ang naging GF nya?! Kung ako nagkandarapa na manligaw sa’yo tapos sya niloko ka lang? Taga-saan ba yan at pupuntahan ko ng maturuan ng leksyon!” Sabi ko sa kanya na kunwaring galit, pero deep inside may galit talaga ako kasi napakabuti nyang babae para lokohin lang ng kung sinong lalaki. “Sira, bayaan mo na sya, kakarmahin din yun.”, sabi nya at tinuloy namen ang kwentuhan.

Nang matapos kumaen ang lahat, sumigaw na naman si Karen, “Guys, may booze tayo ha. Halo-halo yun, pumili na lang kayo. Nandun sa cooler ng Coke. Tara akyat na tayo sa taas at magvideoke tayo!”. “Mahaba pa itong gabi na ‘to”, sabi ko sa sairli ko. “Shall we?” sabi ko kay Joy habang nakaabang ang aking braso para kapitan nya at umakyat na kame kasama ang iba pa naming classmates.

To be continued…