Eto na ‘yung continuation nung story ko. Sana magustuhan nyo.
Ang nakaraan…
…at umakyat na kame kasama ang iba pa naming classmates.
Nasa isang malaking kwarto ‘yung videokehan nila karen. May isang mahabang sofa, dalawand bed at pinalamig ng aircon ang buong kwarto. Sa isang sulok nakapwesto ang lalagyan ng coke na puno ng iba’t ibang klaseng inumin. May rhum, beer, vodka, softdrinks at juice para sa mga hindi umiinom. Pagpasok ng lahat ay isinara na ang pinto ng kwarto at nagsimula na kaming magparty. “Ano gusto mong inumin? Kuha na kita.” Tanong ko kay Joy. “Gusto ko itry ung vodka.” Sya namang sagot ni Joy at kumuha ako ng tig-isang baso at isang bote ng vodka para sa amin. Nagkakantahan at nagsasayawan ang iba habang ang iba ay tuloy pa rin sa kwentuhan. Naupo kame ni Joy sa tabi ng isang kama at doon uminom habang pinapanood ang mga kumakanta. Napakasaya ng lahat noong gabing iyon dahil sa tagal na ding di kame nagkasama-sama at dahil hindi kame maubusan ng ginagawa doon.
“Tol kumanta ka naman! Iparining mo naman yang boses mo! Yiiiheeee!” Hinila ako patayo at inabot sa akin ang mikropono. Cheer sila ng cheer sa akin dahil ni minsan hindi pa ako kumanta sa harap nila. Dala na rin ng nakainom na ako ay naglakas-loob na lang din akong kumanta. “Anong request mo?”, tanong ko kay Joy. Siya naman ay nag-iisip ng mabuti dahil noon lang niya ako maririnig na kumanta. Binulong nya sa akin ang gusto nyang kanta at hinanap ko iyon sa song book. Pagkakita ko ng kanta sa song book ay agad kong pinindot sa videoke ang numbers at pinindot ang play. Maya-maya pa’y tumugtog na ang kanta at nagsitilian sila. At nagsimula na akong kumanta sa tabi ni Joy. “Oceans apart, day after day. And I slowly go insane. I hear your voice on the line but it doesn’t stop the pain……………….. Wherever you go, whatever you do, I will be right here waiting for you. Whatever it takes, or how my heart breaks, I will be right here waiting for you……………. I will be right here waiting for you.” Pagkatapos kong kumanta ay tilian parin sila. Di naman ako magaling kumanta pero sa tingin ko ay di naman sila napangitan sa boses ko. “Woooooooooo kiiiiiiiiiiiiiiiiiiissssss kiiiiiiiiiiiiiiiiiiissssssssss kiss naman jan Joy weeeeeeeeeeeee!!!” Ang ingay nila. Ako naman andun lang sa tabi ni Joy at sinabi ko, “Ano, ayos ba? Pwede na ba akong sumali sa idol? Hehehe”. “Hmmm.. Pwede na.. Pero mas magaling pa rin ako. Hahaha.” Tugon nya sakin habang nagsisigawan pa rin sila ng kiss. Ipinasa ko na ang mike sa iba para makakanta naman sila. Pagharap ko kay Joy ay bigla nya akong ini-smack. Isang mabilis na halik na kahit ako ay ‘di ko namalayan. “Weeeeeeeeeeee. Ulit! Ulit! Di namen nakita!!!” Bigla akong natulala, nabigla sa ginawa nya. Nakaramdam ako ng init sa gitna ng lamig ng buong kwarto. “Isa pa! Isa pa! Di namen nakita!” Tuloy pa rin sila sa pagkulit. Pagtingin ko kay Joy ay nakaharap sya sa akin, nag-aantay ang labi na mahalikan. Di ko alam kung totoo ba yun o nagjojoke lang sya pero di sya umalis sa ganong pose. “Ayan na! Ayan na! Ayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!” Nag-iinit ako, nagising at dugo ko at alam ko pati alaga ko ay nagising din sa ginawa nya. Naglakas-loob na lang ako, humingang malalim at sinalubong ang mga labi ni Joy. Naglapat ang mga labi namin. Tilian na naman sa paligid. Ang sarap. Ang init. Di ko namalayan, sinisipsip ko na pala ang labi ni Joy. Naramdaman ko ang malalim na paghinga nya. Nasasarapan sya. Papasok ko na sana ang dila ko pero hindi pa gaanong nakakapasok ito sa bibig nya ay bigla syang kumalas. “Bleh.” yun lang ang winika ni Joy. Ako naman ay napangiti lang pero nag-iinit pa rin ang katawan ko. Sumandal sya sa akin at nanood muli sa mga nagsasaya. Naubos na namen ang aming inumin at ayaw na rin daw ni Joy. Nakasandal pa rin sa akin, bumulong si Joy, “Ang sarap mo palang humalik. Balak mo pa ko pasukin ha. Hihihi.”. Ako naman ay parang nalibugan sa pilyang pagbulong nya sa akin at sumagot ako, “Masarap ba? Eh bakit ka kumalas?”. Pinitik nya ako sa ilong at sumagot ulit sya, “Eng-eng. Di mo ba sila nakikita?” “Anu naman? Kita mo nga enjoy sila sa napanood nila. Heheheh”. Tugon ko naman. Maya-maya’y tumayo si Joy at nagpaalam, “CR lang ako ha. Wait for me.” Tumango lang ako at umalis na sya. Nakipagkwentuhan muna ako sa iba ko pang mga classmates habang wala pa si Joy. Naalala ko pa rin ang ginawa nya sa akin na sya namang nakapagpabuild up ng libog ko ng gabing iyon.
Bumalik si Joy ng may ngiti sa kanyang mga labi. Pati ako ay nahawa sa maganda nyang ngiti. Tumabi ulit sya sa akin at sumandal. Tuloy pa rin sa kantahan at kasiyahan ang lahat. Halos mauubos na ang mga inumin. Ang lakas nila uminom. Palibhasa libre kasi. Hindi na humirit ng isa pang inumin si Joy. Solved na sya dun sa vodka na ininom namin kanina. Tuloy din kami sa pagkikinig at pagsasaya. Sa kalagitnaan ng pagsasaya namin, kinalabit ako ni Joy. “Ang tagal ko bang bumalik kanina?”, tanong nya sa akin. “Mmm… Medyo, kala ko nga naligaw ka na eh. Hahaha.” Sagot ko sa kanya. Nakangiti lang sya. Ako naman napaisip din kung bakit nga sya natagalan. Lumikot ang utak ko, naisip ko na siguro nagsarili na ‘to sa CR, hindi man lang ako sinama. Maya-maya’y bumulong ulit sya sa akin, “Nabitin ka ba?”. Alam ko na agad kung ano ‘yung tinatanong nyang bitin ako. Dahil sa mukha palang nya, kakaiba na ang ngiti nya at hawak nya sa aking kamay. “Bitin na bitin”, sabay pisil ng bewang nya. “‘Yung room ng kapatid ni Karen walang tao.” Nang marinig ko ang sinabi nyang ‘yon ay agad na nagalit ang alaga ko. Alam ko napansin din nya yun kasi idinaan nya ‘yung kamay nya sa ibabaw ng aking jeans. Bumilis ang pintig ng puso ko at bigla akong nakaramdam ng kung anong init sa katawan. Pero di ako nagpahalata ng sobrang excitement, sa halip ay huminga ako ng malalim at bumulong din sa kanya, “Maya-maya pag
isa-isa na silang bumagsak.”, sabay halik sa tenga ni Joy at nakiliti sya. Habang naghihintay ay nakipagsayahan muna kami sa aming mga classmates. “Maya-maya lang isa-isa nang matutulog ‘tong mga ‘to.”, bulong ko sa sarili ko habang tuloy ang kasiyahan….
To be continued…
*I have to finish my reports for my boss first before this one. Just wait for the next part. Thanks to the readers.*