Nagmamadali kaming maglakad ni Andrea sa hallways ng bagong school, excited sa unang araw ng pasukan. Nahanap naman namin agad ang assigned classroom sa Design and Colors subject saka naupo sa magkatabing desk chairs…
“buti nlang maaga tayo”
“mabagal ka lang kumilos Mischa kaya nerbyosa ka sa oras!”
“tse! anlapit ng dorm…sino ba ma late sa gnyan kalapit ha?”
“ikaw! hahaha”
Unti-unting napuno ang classroom, excited kaming lahat… I dont think me tao sa room na napipilitan lang maging fashion designer… usually kasi, passion ito at kelangan ng buong pusong dedikasyon. Naninibago ang iba, buti nalang ksama ko si Andrea… simula ng highschool bestfriends na kami at ngayon room mate ko pa…
Matiyaga kaming lahat na naghintay sa oras… hmm… mejo late si teacher… 15 minutes na ang nakalipas…
“Good morning ladies… gentlemen…”
Napatingin ako sa direksyon ng boses…
“holy fuckers fuck….”
Nagkasalubong ang aming mga mata… shit…..what?
He cleared his throat… halatang naging kabado…
“alright…. I’m your professor for the Design and Colors subject … this course will teach you how to incorporate colors that works well together for your designs…”
Umabot ng isang oras ang unang discussion sa subject pero halos wala akong naintindihan.. naninigas ako sa upuan at di makatingin sa harapan…
Sa wakas natapos rin ang klase at isa-isa ng tumayo ang lahat palabas ng classroom.
“Miss Gomez… I need to talk to you”
“Mischa… tawag ka… Mischa!” alog sa balikat ko ni Andrea… “mauna na ko sa labas… hintayin kita”
Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papalapit kay… Jon…. Mr. Jonathan Reyes.
—
Naupo sha sa teacher’s table at nakatayo naman ako ng ilang hakbang sa kanya, hawak ng mahigpit ang binder notebook … nanginginig at di makapagsalita…
Mukhang di rin alam ni Jon ang sasabihin… sabay kaming nagulat sa pangyayari. Nagkakilala kami ng sandali sa isang restaurant ng Sabado… at buong magdamag ako sa Condo nya…tapos ngayon… professor ko pala sha… ang perpektong “boyfriend” ko… bf ko? … Ang “bf” ko??
“Mischa… may I see your enrollment form?”
Naninigas parin ako sa kinatatayuan… “Mischa… ”
Binuklat ko ang binder notebook na mahigpit kong inaakap saka inilabas ang enrollment card ko at iniabot sa kanya.
“Mischa Gomez… 18 years old…” Namula ng husto ang mukha ni Jon at napabuntong hininga…
“18 ka lang?!”
“Jon… hindi ko alam… na …”
“…ako rin.. ”
Alam kong hindi dapat ganito, maayos at masaya kaming naghiwalay kagabi, halos di pako makalakad ng tuwid sa lahat ng pinag gagawa namin kahapon… tapos ngayon, maiiba?
“hindi dapat ito malaman ng iba Mischa…” Napatingin ako sa kanya… “gusto kita… gustong-gusto… pero hindi pwede”
“bakit hindi pwede?…”
“25 na ko at 18 ka lang… estudyante pa kita…”
“pero…”
“Mischa… ingatan mo ang iyong sarili…walang makakaalam ng ngyari… pangako”
“Jon ayoko… ayokong mawala ka…hindi pwede”
“Alam mong mahirap ang ganito… we cant do this Mischa, people will know and people will talk…”
Nangingilid ang luha sa aking mga mata… Oo, bata pa ako… pero hindi ko alam na professor ko sha ng Sabado, binigay ko ang lahat ng gusto nya dahil gusto ko rin sha… hindi ako papayag na ganito na lamang ito magtatapos.
Malakas ang tensyon na namamagitan sa aming dalawa… kitang kita ko sa kanyang mga mata ang kagabi… ang kahapon… alam kong pinipilit nyang iwasan tingnan ang aking mukha…
“sige… kung yan ang gusto mo…”
sabay hawi ng mahaba at maitim kong buhok, tumalikod ako sa kanya… at sinadyang idampi ang hita ko sa tuhod nya habang lumalakad palayo.
Alam kong sinundan nya ako ng tingin… ang hapit at maiksi kong pink skirt, ang puti at bahagyang nakabukas kong blouse… tsk.tsk. Jon… wag kang makikipaglaro sa mga bata.